yung feeling na sobrang stress ka na:/

tpuz yung taong akla mu magpapawala ng pagka stress mu sya din pla ang magpapadagdag nito.. aaixt 

cnu pwdeng katxt ?? yung friendly ba ? pm nyo ko…..

Hindi ka magugustuhan ng lahat.

kaelbondoc:

Lagi niyong tatandaan yan. Hindi lahat ng tao, magugustuhan ka.. lagi natin tandaan kahit gaano man tayo katutuo sa sarili natin, MAY mga mapanghusga parin na mga tao, kasi di tayo pare-pareho ng mga opinyon, meron tayong sari-sariling side. May mga tao parin na may masasabi sayo kahit gaano ka pa kabait sakanila, ganyan talaga ang buhay. Maraming taong ang ibaba ka.. masaya sila pag malungkot ka. Ganyan ang buhay.. puno talaga ng kahirapan pero tignan mo ung isang SIDE nito. Kahit gaano pa KARAMI ang mga may ayaw sayo, paniguradong MARAMI NAMAN NAGMAMAHAL sayo.. KAYA huwag ka dapat magmukmok dyan kasi kung ganyan din ipapakita mo, patuloy ka nilang aapak-apakin, ipakita mo na kaya mong mabuhay sa mga panlalait o panghate nila sayo. Pakita mo din sa mga nagmamahal sayo na worth it ang pagmamahal ng ibinibigay nila sayo. Tsaka lagi natin iisipin, meron nasa itaas na pwede natin kausapin at handang makinig kahit gaano ka man kabaliw. KAYA CHEER-UP and WIN THE WORLD! AJA!

#share  

sinu pdeng katxt im so bored :/

#txt tayo  

Thoughts on Karen of PBB Teen Edition 4

malagkitnagalapong:

Si Karen, isa siguro siya sa mga nakakainis na teen housemate ngayon sa edition na ito or natatanging nakakainis na kasali.

Umpisa pa lang ng edition na ito ay pinakita na nga niya agad kung ano ang ugaling meron siya. Oo, nagpapakatotoo siya at hinid siya plastic pero ang dating kasi ay siya itong laging magaling.

Magbibigay ako ng ilang mga napansin ko sa kanya na nagbigay ng dahilan kung bakit ayoko sa kanya:

  • Una, ayoko sa way ng pakikipagusap niya sa ibang housemates. Ayoko ‘yung ugali niya overall na akala mo kung sino siya umasta. Oo, sige, sabihin na nating mature siya mag-isip pero di ba, below the belt na siya magsalita?
  • Sunod naman ‘yung nangyari kanina. Mahinahon na nga siyang kinakausap pero siya pa rin itong pinapairal ang pride niya. Siya pa itong may lakas ng loob na sabihin na (not verbatim): “Eh di ikaw na ang tama.” Eh siya nga itong lumalabas na parang siya dapat ang sinusunod eh, na siya ang tama. Sana naririnig niya ‘yung mga pinagsasabi niya. Hindi naman kasi kailangang magmataas ng boses kung may gusto kang sabihin o may gusto kang iparating sa isang tao di ba?
  • Self-centered siya. Ako? Ako? Gusto niyang baguhin ‘yung way o personality nung isang tao para pumabor lang sa kanya. Eh kung ganon talaga siya eh bakit kailangan niyang baguhin. Sino ba siya sa tingin niya?
  • Mabilis siyang manghusga ng tao. Pagpasok na pagpasok pa lang ng bahay, may kaaway na siya at binase lang niya ito sa nakikita niya.

Tama na muna siguro ‘yan. Siguro ang iba sa inyo ay gusto siya. Well, kanya-kanyang desisyon lang ‘yan.

Guys, I want you to meet the person who stole my heart..

machogwaapito:

KUNG ALAM MO LANG KUNG GAANO KITA KAMAHAL!

MAHAL NA MAHAL KITA!!! SOBRA!!

eto po yung FB account nya :”>

CLICK HERE

(via bananapeter)

‎—>Ayos lang na mapagod ka kakahintay, basta alam mo na meron kang hinihintay.. —> Morning ^-^

#morning  

happy april fools day ?

supeeeeeeeeeeeeeeeeeeer yaman n talaga ni slater ;]

Pinoy Teleserye

beben-eleben:

Alam na alam nating ang mga Pilipino ay mahilig sa mga telenobela. Namana daw natin ‘yun sa mga Kastila. Madalas na nangyayari kasi sa mga nakasanayan nating telenobela ay inaapi ang mga bida at hinahayaan na lang dahil naniniwala tayong sa bandang huli pagpapapalain ang mga inapi. Natural din sa mga Pinoy telenobela ay ang pag-iibigan ng isang mahirap at mayamang karakter. 

Sa paglipas ng panahon, mapapansin nating nag-iba ang Pinoy Telenobela. Ipinakilala ng ABS-CBN sa atin ang Pangako Sa’yo bilang kauna-unahang Pinoy Teleserye noong 2000 at ito na ang ginagamit sa kasalukuyan. Ang kaibahan ng teleserye sa telenobela ay mas mabilis ang pagkakakwento at mga pangyayari sa isang teleserye. Naging basehan ito ng mga pangkasalukuyang teleseryeng napapanuod natin.

Sa pagtagal ng panahon, ang Pinoy Teleserye ay nagkaroon ng iba’t-ibang uri o sangay.

  • Noong 2001, ipinakilala ng GMA ang isang Politicalserye na Kung Mawawala Ka.
  • Ipinalabas sa ABS-CBN noong 2002 ang kauna-unahang Musicserye, ang Bituin.
  • Ang Labs Ko Si Babe ay isang Comedyserye ng ABS-CBN.
  • Noong 2004, binago muli ng ABS-CBN ang Pinoy Teleserye. Ipinakilala nito ang kauna-unahang Fantaserye, ang Marina. Hindi nagpahuli ang GMA, gumawa rin sila ng Mulawin bilang kauna-unahang Telefantasya sa nasabing network. 
  • Sa GMA, ipinalabas ang kauna-unahang Spoofserye na Marinara.
  • Ang Basta’t Kasama Kita ay isang Actionserye ng ABS-CBN at ito ang kauna-unahang teleseryeng nagkaroon ng live ending.
  • Ang isang kakaibang ending ay pinakita ng Sana’y Wala Nang Wakas sapagkat nakadepende sa text votes ang magiging katapusan ng teleserye.
  • Ang Darna ng GMA ang nasabing kauna-unahang Telefantasyang base sa comics at pelikula. Sa ABS-CBN napanuod ang teleseryeng tungkol sa mga OFW’s, ang Crazy For You noong 2006. Sa GMA din ipinalabas ang kauna-unahang teleseryeng base sa isang anime, ang Lupin noong 2007. 
  • Ang Vietnam Rose ng ABS-CBN ang kauna-unahang teleseryeng ginawa sa ibang bansa. Sinundan ito ng Asian Treasures ng GMA na ginawa naman sa anim na bansa at base ito sa isang Indonesian epic.
  • Ang kauna-unahang Horrorserye ay ang La Vendetta ng GMA at sinundan ito ng Patayin sa Sindak si Barbara ng ABS-CBN noong 2008.
  • Sa ABS-CBN, ang kauna-unahang teleseryeng mula sa isang pelikula, na kung tawagin ay Sineserye, ay ang Bituing Walang Ningning at sinundan ito ng Ang Panday. Sa GMA, tinawag nila itong Sinenovela; ang kauna-unahang sinenovelang ipinalabas ay ang Sinasamba Kita.
  • Ang teleseryeng nakakuha ng pinakamataas na rating sa isang episode ay ang Esperanza ng ABS-CBN noong 1999 na may rating na 67%.
  • Nauso din ang mga inulit na teleserye na kung tawagin ay mga Remake. Ang kauna-unahang Mexicanobelang ginawang remake ay ang Marimar ng GMA. Sinundan ito ng kauna-unahang Koreanovela na ginawang remake ng ABS-CBN, ang My Girl.  Nagkaroon din ng remake mula sa isang program sa radyo, ang Maria Flordeluna ng ABS-CBN, at mula sa isang Tokusatsu, ang Zaido: Pulis Pangkalawakan ng GMA. 
  • Sa paglipas ng panahon, nagkaroon ng pagbabago sa mga fanstaserye. Sinasabing ang kauna-unahang Superserye na ipinalabas sa telebisyon ay ang Krystala at Super Inggo ng ABS-CBN; sumunod dito ay ang Darna ng GMA. May tinatawag din tayong Tele-epiko tulad ng Rounin ng ABS-CBN. Binigyan din ng pansin ang mga batang manonood; tinawag na Kiddieserye ang mga palabas na para sa kanila tulad ng Kokey, Princess Sarah at Kung Fu Kids.
  • Ang Pinoy Big Brother ng ABS-CBN ang sinasabing ang telerserye sa totoong buhay.
  • Ang Amaya ng GMA ay ang kauna-unahang Epicserye at palabas na tungkol sa kultura at kasaysayan ng mga Pilipino. 
  • Itinuturing na Ina ng Pinoy Teleserye ang Mara Clara na tumagal ng halos limang taon (1992-1997) at nagkaroon ito ng remake (2010-2011). Huwag din nating kalimutan ang iba pang Classic Teleserye na Gulong ng Palad, Flor de Luna, Annaliza, Aguila at Valiente.
LoveMyProfile.com - Profile Counters
LoveMyProfile.com <3 Profile Counters